Team nina Eman Bacosa Pacquaio at Arra San Agustin, maghaharap sa Family Feud!

K

ilalanin ang mga makakasama nina Eman Bacosa Pacquaio at Arra San Agustin sa ‘Family Feud’ ngayong December 4.

Team ng new Sparkle artist at fast-rising boxing heartthrob na si Eman Bacosa Pacquiao at ng beautiful and talented Kapuso actress and host na si Arra San Agustin ang maghaharap sa Family Feud!

Ngayong December 4, makakasama nila ang kanilang pamilya mula sa North Cotabato at Oriental Mindoro sa pagalingan sa Family Feud stage.

Ang tatayong leader ng Team Kamao Champ ay ang anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Eman. Makakasama niya sa survey battle ang inang si Joanna Rose “Joan” Bacosa-Dino, ang stepdad niyang si Sultan Ramir Dino, at ang boxing trainer at kapatid ni Eman na si Jexter Dino. Magkakasama nilang ipakikita sa mga manonood ang kanilang fighting spirit, teamwork, at knockout charm sa Family Feud.

Leader naman ng Team San Agustin si Arra at makakasama niya ang mga supportive cousins mula sa Calapan City, Oriental Mindoro. Sila ay ang nursing student ng UP na si Axl Mikhail San Agustin Portus; ang entrepreneur sa jewelry world na si Laurice “Lek” Cuyugan; at ang fur mom ng 10 dogs and cats na si Flora Roxanne “Jammy” San Agustin Portus. Saksihan ang kanilang quick wit at competitive flair sa pagsabak sa survey showdown ng Family Feud.

Countless laughs, surprises, and epic answers ang aabangan sa Family Feud ngayong December 4, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo:

Check Also

Alden Richards, binalikan ang pinakamadilim na ‘season’ ng kanyang buhay

Alden Richards, binalikan ang pinakamadilim na ‘season’ ng kanyang buhay

T aos-pusong nagpasalamat si Alden Richards sa mga sumuporta sa kanya noong siya ay nasa …