man Bacosa Pacquiao: “Alamin mo muna kung ano ‘yung totoo.”
Ginulat nina Eman Bacosa Pacquiao at Jillian Ward kamakailan ang netizens sa kanilang nakakakilig na unang pagkikita sa premiere night ng KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
Maliban sa hatid nilang kilig, umani ang kanilang pagkikita ng iba’t ibang reaksyon. Isa na rito ang napansin ng iba na diumano’y masyado raw touchy si Eman kay Jillian dahil sa kanyang mga paghawak sa bewang at ilang beses na pagyakap sa aktres.
Sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nilinaw ni Eman ang kinasangkutan niyang isyu.
“Sa mga gumagawa po ng negative issue, bago ka mang-judge ng isang tao, alamin mo muna kung ano ‘yung totoo,” pahayag ni Eman.

Dinepensahan din ng fans at ibang netizens ang Sparkle artist, na natural lang kay Eman ang pagiging sweet dahil kapansin-pansin din ang kanyang pagiging touchy sa kanyang tatay na si Manny Pacquiao at sa iba pang nakasalamuha niya sa premiere night, tulad nina Dingdong Dantes, Barbie Forteza, at Jessica Soho.
Nagkaroon ng unang guest appearance si Eman sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong November 9, kung saan ikinuwento niya ang kanyang simpleng buhay bilang boksingero.
Kasunod ng kanyang guesting, lumabas din siya sa Fast Talk With Boy Abunda noong November 18, kung saan unang inamin niya na crush niya si Jillian.
Matapos ang sunod-sunod niyang guest appearances, opisyal nang pumirma si Eman sa Sparkle noong November 19.
Panoorin ang buong panayam dito:
Gabi ng Lagim to Gabi ng Lambing- Emman Pacquiao meets Jillian Ward! | Kapuso Mo, Jessica SohoGABI NG LAGIM TO GABI NG LAMBING RQ! EMMAN BACOSA PACQUIAO, KUMUSTAHIN NATIN AT KUNG PAANO NAGBAGO ANG KANYANG BUHAY MATAPOS MAITAMPOK SA KMJS! AT ANG ORGANIC ENCOUNTER NILA NI JILLIAN WARD, PANOORIN! Napakabilis magbago ang buhay ng batang boksingero na kamakailan lamang ay na-interview ng #KMJS– si Eman Bacosa Pacquiao! At sa pagdalo niya sa KMJS’ Gabi Ng Lagim The Movie premiere night, nakita niya na nang personal ang kanyang celebrity crush na si Jillian Ward! Panoorin ang video. #KMJS
Người đăng: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) vào Thứ Hai, 1 tháng 12, 2025
Samantala, mas kilalanin dito si Eman Bacosa Pacquiao:

Philippine news for filipinos