apaluha ang Sparkle actress na si Sofia Pablo nang maalala niya ang kaniyang on-screen partner na si Allen Ansay habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 noong Linggo (November 30), nag-open up si Sofia sa fellow housemate na si Rave Victoria tungkol sa naging pangako niya sa kaniyang on-screen partner.
Dito, ipinaliwanag ni Sofia kay Rave ang nangyari kay Iñigo kung saan gumamit ito ng code name para sa kaniya na “1st princess” na naging dahilan para pagalitan siya ni Kuya.
Nagkaroon din ng pag-uusap sina Sofia at Joaquin Arce, kung saan ikinuwento ni Joaquin ang pag-amin ni Iñigo na gusto raw nito si Sofia, pero na-“turn off” siya dahil hindi ito physically active.
Lahad ni Sofia kay Rave na inaalala niya ang maaaring maramdaman ni Allen pati na rin ng fans nila.
“’Yung code names kasi is not to hide them from Kuya, but it’s to hide it from the other housemates para hindi lumaki ‘yung problem. But then again, ‘yung side namin ni Joaquin, we just didn’t want it to grow bigger especially if it’s me being involved with someone sa labas,” paliwanag ng Sparkle talent.
Pagpapatuloy niya, “Ayokong ma-hurt ‘yon. And I don’t want to see our fans na makikita nila na para bang hindi ko iniisip si Allen at ‘yung mga actions niya. So ngayong na-i-involve ako directly with someone in that way, na-ano talaga ako kasi iyon ‘yung last thing na gusto kong mangyari.”
May ipinangako rin daw si Sofia kay Allen bago siya pumasok sa PBB house.
“Parang mayroon pa nga siyang, ‘Maiintindihan ko kapag may nagustuhan ka sa loob ah.’ May ganoon siya. Tapos nag-promise ako na hindi talaga. I mean, hindi naman porket andito ako, sabihin nating aabot ako hanggang dulo, like kakalimutan na kita,”
“Ayun naiyak tuloy ako, kasi iniisip ko kung ano nararamdaman niya.”
Noong Pebrero, ipinagdiwang nina Sofia at Allen, na binansagan ‘Team Jolly’ ng kanilang fans, ang kanilang 5th anniversary bilang love team.
Kabilang sina Sofia at Allen sa mga nominado bilang Kapuso Love Team of the Year sa first-ever GMANetwork.com Awards. Maaari silang iboto sa poll na ito.
RELATED CONTENT: TEAM JOLLY SWEETEST MOMENTS

Philippine news for filipinos