
Nagsama-sama sa huling pagkakataon ang grand finalists ng “Tanghalan ng Kampeon 2025” para masungkit ang titulong grand champion.
Ngayong December 4, ginanap ang Huling Bangaan ng mga kampeon sa TiktoClock. Ipinakita nila ang kanilang husay at pang-grand champion na performance sa mga inampalan na sina Renz Verano, Daryl Ong, at Jessica Villarubin.
Sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan,” ang bawat grand finalist ay nakapaguwi ng PhP 100,000 at ang grand champion ay may PhP 500,000 at home appliance showcase.
Balikan ang mga naganap sa Huling Banggaan ng Tanghalan ng Kampeon 2025.

Baron Angeles, Julius Cawaling, Bjorn Morta
Magkakasama sina Baron Angeles, Julius Cawaling, at Bjorn Morta sa opening number ng “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan” sa TiktoClock.

Nicole Shigematsu, Kimberly Baluzo, Shane Luzentales
Litaw ang ganda at talento nina Nicole Shigematsu, Kimberly Baluzo, at Shane Luzentales sa TiktoClock.

Inampalan
Sina Jessica Villarubin, Renz Verano, at Daryl Ong ay magkakasama sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan” at kantahan kasama ang mga grand finalists.

Prizes
Ayon sa TiktoClock, makakapaguwi ang bawat grand finalists ng PhP 100,000 each. Ang grand champion naman ay maguuwi ng PhP 500,000 at home appliance showcase.

Camille Prats and Kuya Kim Atienza
Sinimulan nina Camille Prats at Kuya Kim Atienza ang pagpapakilala sa mga grand finalists sa Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.

Inampalan
Tinutukan ng inampalan na sina Jessica Villarubin, Renz Verano, at Daryl Ong ang bawat performance ng grand finalists.

Baron Angeles
Unang sumalang ang grand finalist na si Baron Angeles sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan” stage.

Nicole Shigematsu
Ang grand finalist na si Nicole Shigematsu na mula pa sa Japan ay nagpakita ng kaniyang talento sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.”

Kimberly Baluzo
Ang kampeon na mula sa Bicol na si Kimberly Baluzo ay may kakaibang performance para sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.”

Shane Luzentales
Ang cruise ship siren at pambato ng Laguna na si Shane Luzentales ay bumirit sa kaniyang performance sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.”

Bjorn Morta
Ang youngest kampeon at Gen-Z charmer na si Bjorn Morta ay ginulat ang inampalan at audience sa kaniyang performance.

Julius Cawaling
Ang binansagang biggest threat ng mga kampeon na si Julius Cawaling ay heartfelt ang performance sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.”

Emotional performance
Emosyonal naman si Julius Cawaling nang makausap nina Kuya Kim Atienza at Herlene Budol sa “Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan.”

Hosts
Inilahad nina Wacky Kiray, Jayson Gainza, Haley Dizon, Tala Gatchalian, at Allen Ansay ang kanilang naging obserbasyon sa performance ng mga grand finalists. Inanunsyo rin nila ang pagbabalik ng “Tanghalan ng Kampeon” sa TiktoClock sa 2026.

Mga kampeon
Sa commercial break ng TiktoClock at bago ianunsyo ang grand champion ay magkakayakap ang mga grand finalists.

Grand champion
Ang nanalo sa Huling Banggaan ng “Tanghalan ng Kampeon 2025” ay mag-uuwi ng PhP 500,000 at home appliance package. Siya ay paparangalan nina Daryl Ong, Renz Verano, Jessica Villarubin kasama nina Consultant for GMA Entertainment Group Darling de Jesus-Bodegon at Officer-in-Charge for GMA Entertainment Group Cheryl Ching-Sy.

Baron Angeles and Bjorn Morta
Sina Baron Angeles at Bjorn Morta ang huling pinagpilian ng mga inampalan.

Bjorn Morta
Si Bjorn Morta ay ang itinanghal na “Tanghalan ng Kampeon 2025” Grand Champion.

Tanghalan ng Kampeon 2025 Grand Champion
Congratulations, Bjorn Morta!
Philippine news for filipinos