Alden Richards, binalikan ang pinakamadilim na ‘season’ ng kanyang buhay

T

aos-pusong nagpasalamat si Alden Richards sa mga sumuporta sa kanya noong siya ay nasa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay.

Ngayong taon, puno ng healing at gratefulness si Alden Richards, lalo na’t matagumpay na niyang nalagpasan ang mga pagsubok na hinarap niya noong nakaraang taon.

Sa kanyang panayam ng GMA Integrated News para sa noong Miyerkules, December 3, matapang na binalikan nig Asia’s Multimedia Star ang kanyang pinagdaanang depression.

“It’s a very difficult season in my life because I was really lost. Parang di mo ma-navigate saan ka di ba? Parang nothing makes sense anymore. Walang motivation,” kuwento ni Alden.

Inamin ng Kapuso actor na nagkaroon din siya ng mga pagkakamali noon, ngunit mayroon pa ring mga taong patuloy na sumuporta sa kanya.

“I took for granted a lot of things, which is [a] very bad mindset to have, but ayun nga e, all the people are there to give their support,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “I am just so grateful for the people who have taken care of me and shield me.”

Sa kanyang pinagdaanan, proud siya sa mga natutunan niya, lalo na tungkol sa kanyang sarili.

“One thing I have learned from that is, at the end of the day, you only have your faith, you only have yourself to get out of that,” aniya.

Ibinahagi rin niya na mas maayos na ang kanyang pakiramdam nang tanungin siya kung kumusta na siya at kung okay na ba siya sa lahat ng nangyari.

Ngayon, si Alden ay kasalukuyang naghahanda para sa kanyang upcoming fan meet na pinamagatang “ARXV: Moving ForwARd – The Alden Richards Ultimate Fanmeet”, na gaganapin sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.

Nakatanggap din ang aktor kamakailan ng parangal bilang Takilya King sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa kanyang pagganap sa 2024 film na Hello, Love, Again.

Panoorin ang buong panayam dito:

RELATED GALLERY: Celebrities open up about depression, anxiety, and other mental health issues

Check Also

Team nina Eman Bacosa Pacquaio at Arra San Agustin, maghaharap sa Family Feud!

Team nina Eman Bacosa Pacquaio at Arra San Agustin, maghaharap sa Family Feud!

K ilalanin ang mga makakasama nina Eman Bacosa Pacquaio at Arra San Agustin sa ‘Family …