Marco Masa, Eliza Borromeo: How did they really take their eviction from Bahay ni Kuya?

E

mosyonal sina Marco Masa at Eliza Borromeo sa paglabas nila mula sa ‘Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0’ Alamin kung bakit dito.

Naging emosyonal sina Marco Masa at Eliza Borromeo, ang mga bagong evictees sa bahay ni Kuya nang lumabas sila nitong Sabado, November 29, mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa panayam sa kanilya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 1, sinabi nina Marco at Eliza na hindi nila inasahan na lalabas ang isa’t isa. Pag-amin pa ng dalawa, naniniwalang silang deserving na manatili sa loob ng Bahay ni Kuya ang bawat isa sa kanila.

“Hindi ko po talaga in-expect na lalabas si Marco kasi alam ko talaga kung gaano niya po kagusto mag-stay sa loob ng bahay ni Kuya and alam ko rin po na maraming nagmamahal kay Marco,” pagbabahagi ni Eliza.

Pagpapatuloy pa ni Eliza, importante rin sa kaniya na manatili noon sa loob ng bahay ni Kuya si Marco.

Sa katunayan, pinag-uusapan din nila ang paniniwala na mananatili ang isa’t isa sa loob ng bahay ni Kuya. Paliwanag ni Eliza, “Ang usapan po kasi namin nu’n, sinasabi niya po sa ‘kin na ‘Feel ko, hindi ka lalabas.’ So sinasabi ko rin po sa kaniya na ‘Hindi feel ko na lalabas ka.’ Feel ko po hindi siya lalabas.”

Nakaramdam din umano ng kalungkutan si Marco nang maisip ang posibilidad na isa sa kanila ang lalabas ng Bahay ni Kuya dahil mawawala ang support system nila.

“Kasi po inside it’s really sad and kumbaga ‘yung isa’t isa na lang po ‘yung support system namin, so of course ando’n ‘yung thought na there’s really a possibility, pero para ma-uplift po ‘yung nararamdaman namin, pinag-uusapan po namin,” sabi ni Marco.

TINGNAN ANG NAGING REAKSYON NG NETIZENS SA PAGLABAS NINA MARCO AT ELIZA SA GALLERY NA ITO:

Pinansin naman ni King of Talk Boy Abunda ang pagbago ng emosyon ni Marco noong ianunsyo na isa siya sa mga housemate na na-evict mula sa bahay ni Kuya. Noong una kasi ay tila nonchalant lang ang Kapuso actor, bago naging emosyonal.

Pag-amin ni Marco, noong una ay grateful at thankful lang siya sa karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya.

“It’s really bittersweet na posibleng ‘yun na ‘yung last na pagsasama namin, ‘yun na ‘yung last na time na makikita ko sila. So it’s not really about me being overconfident, kasi, I was really rooting for Heath (Jornales),” sabi ni Marco.

Wika ng aktor, noon lang nag-sink in na lalabas na sila ng bahay at iiwanan ang isang bahay na inilarawan niya bilang “full of love, full of people, full of amazing memories.”

Panoorin ang panayam kina Marco at Eliza dito:

Check Also

Alden Richards, binalikan ang pinakamadilim na ‘season’ ng kanyang buhay

Alden Richards, binalikan ang pinakamadilim na ‘season’ ng kanyang buhay

T aos-pusong nagpasalamat si Alden Richards sa mga sumuporta sa kanya noong siya ay nasa …

Để lại một bình luận

Email của bạn sẽ không được hiển thị công khai. Các trường bắt buộc được đánh dấu *