
inilala bilang Takilya King si Alden Richards sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa kanyang pagganap sa 2024 film na ‘Hello, Love, Again.’
Muling pinatunayan ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang kanyang mahusay na pagganap sa record-breaking 2024 film na Hello, Love, Again.
Kinilalang Takilya King si Alden sa 41st Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies para sa nasabing pelikula, na pinarangalang 2025 Box Office Hit Award sa Manila International Film Festival.
Idinaos ang prestihiyosong event sa Makabagong San Juan Theater sa San Juan City.
Hinirang din na Takilya Queen ang katambal ni Alden na si Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Again, na gumanap bilang Joy, habang si Alden ay gumanap naman bilang Ethan.
Kasalukuyang busy naman si Alden sa kanyang upcoming fan meeting na pinamagatang ARXV: Moving ForwARd – The Alden Richards Ultimate Fanmeet sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.
Ayon sa aktor, isa itong event ng “gratitude,” “appreciation,” at pagbibigay-pugay sa lahat ng naging bahagi ng kanyang 15 taon sa industriya.
RELATED GALLERY: Alden Richards’s defining moments in showbiz




Philippine news for filipinos